Wednesday, October 18, 2006

Trie South Under Recovery DEstroy VOmit LETtucce

hindi na nga siguro kailangan ng period ang mga bagay-bagay na unti-unting nabibigayan ng linaw o napag-uusapan pero wala pa rin katapusan na tanong kung bakit o ano o ewan at hindi ko na rin alam kung ano ba talaga kasi masaya naman daw kahit magulo tama naman masaya talaga kahit parang laging may naghahanap humahabol nagtatanong minsan nga nakakasawa na ring sumagot kaya naiintindihan ko na ngayon ang mga celebrities na nagsasabing "we're just friends" cliche pero ganun nga talaga siguro tapos nalaman ko may 185 friends pala ako sa friendster pero bakit kahit isa wala akong mapag-kwentuhan ng mga pautot ko sa buhay ko ngayon sabi sakin ng barkada ko nung highschool "ayan ka nanaman..." e anong magagawa ko tsaka hindi ko rin masabing eto nanaman talaga ako kasi iba talaga to at siguro sa lahat ng tao dito sa mundo ako lang tal;aga ang may alam ng tunay kong nararamdaman kabisado ko na kung kelan ako sigurado totoo at jiketime ito na mga siguro yung drawback mung mga past na ginawa ko ngayon kolehiyo na hindi ko naman talaga sinasadya na maging ganito totoo nga siguro ang kasabihan na kung kelan ka naging seryoso tsaka hindi maniniwala sa'yo ang lahat ng tao lahat parang nagsasabing lilipas din yan ang masama pa nito kasama sya sa mga yun kung alam lang nya na ang laman ng ulirat ko ngayon pero masaya naman kahit masakit malungkot nakaw na sandali ewan kailan ba magiging tama ang mali pano kung yung akala mong mali yun pala yung tama at titigil na ang lahat ng kwestyon at pagtatanong at paghahanap at kung ano ano pa kapag may nagtatanong nga sakin puro let's see nalang sinasabi ko sa totoo lang ayaw ko na siyang mawala pa pero pano naman mangyayari yun e hindi naman siya akin sana talaga nauna ako ng onti sa timing pero baka naman ganito rin ang dapat na mangyari para malaman ko rin ang tunay na ibig sabihin ng lab dati talaga ang korneh sakin ng lahat tapos ako korneh na rin ayaw ko nga fati yung nagmumukhang tanga pero ngayon ano na ang tanga ko talaga sana huwag na siyang maguluhan at sana sundin nya ang kung ano mang nararamdaman niya kung saan naman siya masaya tingin ko masaya na rin ako dun basta huwag lang siya maguluhan akala ko madali magsul;at ng walang period at kahit anong puncutation mark mahirap pala kaya eto para matapos lang.

Sunday, September 10, 2006

Mistake no. 3

once is enough. twice, tolerable. but thrice? let's see.

the first fell, then suddenly disappear. the second also fell, but grab something to hold on to. the third, let's see.

let's see.

Thursday, July 20, 2006

ang gulo ng - buhay

teka, may buhay nga pa ba ako? meron pa naman daw. sabi ko sa sarili ko. at pilit kong pinipilit na meron nga. haha. ang saya.

eto lang ha. para sa'yo. baket?!!!!!

wala na talaga akong balak e, pero biglang may bright idea ang isang senior. biruin mo ba namang sabihan akong "it did not stop paris from getting helen of troy" aba lintek, samahan mo pa ng leche.

e ngayon ay nandito na naman ako sa paborito kong gimik, ang manggulo ng buhay ko. ang mag-adik. ang magpaka-leche. isipin mo, buong bataan magwawala kapag may nag-squeal. tres lang kids.

kung, kung sakali mang ma-tanga na talaga ako at masiraan ng bait, at ituloy ang itutuloy, sorry naman. tao lang. ang mga pollens ng elbi ginugulo na naman ako. sabi ng allergic ako dun e. nay, tulungan mo naman ako! aba, baka ikaw e may bright idea rin.

more bright ideas please. urgent.